1 Month Basketball League of Taal Surrenderers

Click Here to view the whole Album

Patuloy pong nagbabago ang mga kapatid nating drug surrenderers sa pamamagitang ng ating mga programa. At simula nga 3 November ay pinasinayaan ng PNP at ng Mary Missionaries for the Poor ni Fr. Suarez, kaagapay ng inyong lingkod at ng buong munisipyo, at ang provincial government, ang isang month-long BASKETBALL LEAGUE para sa mga drug surrenderers ng Taal. Ito ang ating paniniwala: Na sa tamang gabay natin sa tulong ng mga palaro at makabuluhang gawain ay tuluyan nating masusugpo ang bawal na gamot sabay ng pagsagip ng buhay ng lahat. Hindi po tayo susuko alang-alang sa ating mga kapatid na drug surrenderers. Kaya patuloy pong abangan ang mga programa natin para sa kanila, tulad ng nasabi ko nang Cash-for-Work community projects, at saksihan ang pagbabago tungo sa #DRUGFREETAAL.